Pupunta ka sa Canada?

Pupunta ka sa Canada? Congratulations! Napakagandang bansa, payapa, mayaman, maraming oportunidad. Pipilitin kong bigyan ka ng kahit na kaunting kaalaman tungkol sa Canada. Hindi kasaysayan, kundi, mga simpleng bagay na magagamit mo pagdating mo dito. Tulad ng kung anong klima ang daratnan mo, papaano ang takbo ng buhay dito, ano ang transportasyong pampubliko, saan makakakita ng pagkaing Pilipino, paano kumuha ng lisensya sa pagmamaneho, saan magandang mamasyal, pano humanap ng trabaho, at kung ano ano pa.

Ako kasi noon, wala akong kaalam alam pagdating ko dito. Na shock tuloy ako. Pipilitin ko ring makapaglagay ng mga litrato, para naman maging malinaw ang mga sinasabi ko.

Yun nga lang, nandito ako sa British Columbia (BC). Sabi nila, the best place on earth. BC lang ang kaya kong ipakita sa iyo. Kung papunta kang Vancouver at mga kalapit na siyudad, siguradong magagamit mo ang mga impormasyong ito. Kung sa ibang lugar sa Canada, pwede na rin, medyo iba nga lang.

Nasa kanan ang listahan ng mga sinulat ko tungkol sa British Columbia. Sana'y makapagdulot ako ng kahit kaunting magagamit na impormasyon sa'yo. Sana'y matawa ka din sa mga kapalpakan ko dito. See you soon!

No comments: