Una sa lahat ako ay isang ina. Ina ng apat na pinanganak ko sa mundong ito. Oo, apat. Ang dami no? Sabi ko nga. Lalo na dito sa Canada. E kay rami dito ay may asawa pero ayaw magkaanak. Marami na ang dalawa o tatlo dito. Kapag naririnig nilang apat ang anak ko, ganun nalang ang laki ng mga mata nila. Para bang niloloko ko sila. Kailangan ko pang ulitin. Minsan pinaglalaruan ko nalang ang mga Canadians na ito. Binibiro kong apat ding iba ibang lalaki ang mga ama ng aking mga anak. Pero sa totoo isa lang.
Kaya pangalawa, ako ay isang asawa. Labing anim na taon na akong kasal. Happily, most of of the time. Dalawampu't isang taon na kaming magkasama. Di ko nga mapaniwalaan minsan na magkasama kami simula nung kinse anyos kami pareho. Nakakakilabot. Kinse na rin kasi ang panganay ko.
Yan ang dalawang pinakamahalagang papel ko sa buhay ngayon. Isasama ko sanang ako ay isang anak pero ulila na ako. Kapatid din sana pero ang siyam na kapatid ko ay nasa Pinas lahat kaya't parang di naman ako mabuting kapatid sa kanila. Di ko naman sila natutullungan, di nakakausap ng madalas. Oo, sampu kaming magkakapatid, ako ang pinakabata.
Ngayon ko lang talagang naisip na ang pinakamahalagang papel ko sa buhay ay maging ako. Alagaan ang sarili ko, isipin ang pinakamakabubuti para sa sarili ko. Alam ko na ito noon pa pero ngayon ko lang talagang naintindihan. Lalaki ang aking mga anak, magkakaroon na sarili nilang buhay. Ang asawa ko ay may sarili ding pinagkakaabalahan sa buhay. May mga ginagawa syang para sa kanyang sarili. Dapat meron din ako. Kaya sinisimulan ko ito ngayon, hanapin ang makapagpapasaya sa akin. Kahit na sa maliliit na bagay, katulad ng pag gawa ng masarap na kape, pagsusulat, pag-aaral ng iba't ibang mga interes, pagluluto ng kung ano ano, pagpunta sa iba't ibang lugar. I'll have to do this for myself because really, I am alone, as we all are. I need to be happy with myself.
Nandito ako sa Canada, pitong taon na. Palagi ko pa ring naiisip kung ano kaya ang buhay namin ngayon sa Pinas kung di kami umalis dun. Nakaka miss din kasi ang pamilya at buhay sa Pinas. Kaya naman sa mga kwento ko dito sa blog, palaging lumalabas ang tanong na yan. Wala nga lang sagot.
Nagsusulat ako para mailabas ang mga sama ng loob, mga kasiyahan ko sa buhay, mga tanong na di masagot. Sana may mapulot ka sa blog kong ito. Sana magsilbi akong example sa iyo, kahit na bad example.
Please leave me a note when you read my posts. I will be happy to know that people actually read what I write. Leave me a link to your blog too. I am interested in reading about people, and the lives they live. We can be blog friends. Happy reading!