This is a very nice mug. Sabi ng barista sa starbucks.
Yes it is. Thanks. It’s my favourite. Sabi ko naman. Kahit saan ako magpunta, palaging binabati ang travel mug kong ito.
Is this from Starbucks? Sabi nya ulit habang tinitignan paikot ang mug, pati ang ilalim.
Yup!
Talaga bang gusto nyang ituloy ang usapang ito? Gusto nya bang sabihin ko sa kanya kung gaano ko ka paborito ang basong ito na di ako nakakatulog sa gabi pag di ko maisip kung saan ko ito naiwan? O minsan muntik ako masagasaan dahil hinabol ko ang mug nung mahulog at gumulong sa kalye? O na may pasa ako sa gilid ng tuhod ko sa kaliwa dahil nung nag snow nung isang araw at nabitiwan ko ang mug, sinalo ko ng madalian para wag mahulog sa snow, wag tumama sa semento at mabasag, humampas tuloy sa tuhod ko? Gusto nya ba talaga malaman ang mga ka 'aningan ko sa buhay?
Oh and it says Kobe. Is that a place? Is that where you got it?
No, that’s my name and I want my latte now!!!! Please…
Syempre di yan ang sinabi ko. Ito talagang mga Canadians na ito, ang hilig makipag small talk. Siguro wala silang makausap sa mga bahay nila. Samantalang sa atin sa Pinas, pag kinausap ka ng di mo kilala, lalo na pag opposite sex, sa isip mo may gusto na yon sa'yo. O ako lang ang nag iisip non? Hehe. Akina ang kape ko!
Yes, Kobe in Japan. I got it there in 2000, um… six years ago.
Six years na ba yon? Aba parang kelan lang yon ah. Sobrang bilis naman. Anong nangyari sa nakalipas na 6 na taon? Me nangyari ba sa buhay ko mula ng binili ko ang mug na yan? Hmmmm...
Tall latte in a very cool cup. Thanks. See yah tomorrow!
Sa wakas ang kape ko!!!!
Thanks. See yah.
Nabagabag tuloy ako. Anim na taon na ba? Ganon lang ba kabilis lumipas ang anim na taon? Ano na ba ang nangyari sa buhay ko sa nakaraang anim na taon na yan? Wala nga ba?
2000 - Got my first car - ay! loaned my first car pala
2001 - Iniluwal ko ang pangatlo kong anak
2002 - Isinubmit ang application for migration to canada
2003 - Tumigil ang buhay ko habang naghihintay ma-approve ang aming application
Napagtanto ko na ayoko ang Accounting, hindi ko medyo ayaw, nasusuka talaga ako
2004 - Lumipat sa Canada
Namatay si Mommy
2005 – Got my 1st and 2nd job in Canada
Namatay si Tita Tess
2006 – Namatay si Dad
Namatay si Nanay, ang aking mother in law, my second mom
Nag gain ako ng 20lbs – Kelan nga ba nangyari ito?#?@
Nag mature ako ng 100% - I think
Tumanda ako ng 6 na taon.
Napakarami palang nangyari sa buhay ko nung nakaraang anim na taon. Baka mas marami pa sa mangyayari sa buong buhay ng ibang tao. Maraming nawala, maraming nabago, masyadong eventful. At naisip ko ang lahat ng ito dahil sa aking Starbucks mug.
Kahapon ko nakausap ang Barista. Nang bumili ako ng latte kanina, sa disposable cup ako uminom. Naiwan ko kasi ang mug sa kotse at dala ni Ramil ang kotse. Kaya nang sinundo ako, agad kong kinuha ang mug at hinugasan. Nabitiwan ko, nabasag. Ironic di ba? Parang buhay. Pagkatapos kong maisip ang kahalagahan ng bagay na ito sa buhay ko, nawala sya.
Ngayon tuloy kailangan ko ng bagong mug. Sigurado akong makakahanap ako ng bagong paborito, pero di ko malilimutan ang aking unang Starbucks mug, na binili ko sa Kobe Japan, nung 2000.
No comments:
Post a Comment