Friday, June 05, 2015

passionate instructor ba kamo?

i always feel grateful these days. dahil yata binitiwan ko na ang pag iisip ng mga bagay bagay sa buhay. lahat ng bagay ay dinelegate ko na...kay ramil. haha. pagtuturo at pag vi-visualize nalang ang natirang responsibilidad ko sa buhay. pagtuturo para may maiuwi naman akong pera, at pag vi-visualize ng buhay namin in the future so we have something to look foward to.

nakasakay ako sa train kanina papunta sa trabaho. biyernes kaya half day lang ang turo ko sa hapon. ang ganda ng panahon, 20 degrees. hindi malamig at di rin naman mainit. iniinom ko ang aking mainit na kape habang nanonood ng magandang tanawin sa labas ng tren. water, mountains, buildings, bridges, people. peaceful.

nagbukas ako ng facebook. nakita ko ang isang fb friend ko na nag post ng reklamo nya sa buhay. wala daw internet sa bahay sa pinas. naalala ko na nabasa ko ilang days ago na meron din syang inire reklamo sa fb. tinignan ko ang home page nya. lahat ng post nya reklamo. hmmm. matagal na yata akong hindi nagre reklamo sa buhay. pinilit kong makaisip ng irereklamo. nagulat akong hindi ako makapag isip ng kahit na isang complaint. talaga nga bang maluwag ang buhay namin ngayon o nagbago lang ako ng perspective and i have practiced appreciation and gratitude well enough kaya wala akong maisip na complaint? so i tried to think of things to be grateful for instead. ang dami kong naisip.

unang una masaya ako sa trabaho ko ngayon. lagpas isang taon na nung iniwan ko ang aking full-time job sa bangko. lagpas isang taon na akong nagtuturo freelance. walang security. kung saan saan, kung ano-anong bagay, sa iba ibang mga oras. nagtuturo ako sa limang companies. iba ibang araw. ang iba araw-araw, ang iba once in a blue moon. tuloy tuloy ang hanap ko ng schools para laging puno ang aking schedule. maraming pilipino dito na nagtatanong sa akin, pano ka nakapasok sa ganyang trabaho? ang galing mo naman! ang laging sagot ko, nag aral ako ng teaching para ako makapagturo. di ba ganun lang naman ang ginagawa? maraming pilipino dito sa canada ang hindi na re-realize ang kanilang full potential dahil na i insecure sila for not being born and raised in canada. ang akin lang e, hindi ako born and raised dito. so what? i will do what i want. samakatuwid, nagtuturo ako sa colleges part-time. nagtuturo ako ng bookkeeping, insurance licensing review, business planning, microsoft office, keyboarding, math, at kung ano ano pa. minsan di ko alam ang tinuturo ko pero okay lang. keri lang. magaling naman akong umarte. bwahaha. 

nagpunta ako sa interview nung isang araw for a full-time teaching job. naisip ko kasi baka pagkatapos ng isang taon e gusto ko naman ng stability sa trabaho. habang ini-interview ako, pinigil kong sabunutan ang nag i interview sa akin. pinigilan ko ang sarili kong baligtarin ang mesa at tumakbo palabas. ang sabi nya kasi kailangang nasa opis ako alas nwebe ng umaga araw-araw at sya ang boss ko. hindi ko na yata kayang bumalik sa full-time daily job na may oras at may boss. di bale ng nakakaloka ang schedule ko. di bale ng na stress ako paminsan minsan magturo ng mga bagay na di ko rin alam. di bale ng isang oras at kalahati ang byahe ko. di bale na lahat. basta i have the freedom to choose what i want to do. i don't answer to anyone except to my students. i can come and go as i please. i love my job.

i get to inspire people everyday. i raise people each day by teaching them something they didn't know before. i challenge the limitations people put on themselves. my everyday question is, why not? i bring comfort to my students when they feel down. i let my students achieve. i show them that they can do things they thought impossible. i influence their minds to become positive thinkers. i encourage my students. i brainwash them to believe that they can be what they want to be, anytime they choose to. i help adults realize themselves.

i guess i am a passionate instructor.

Monday, June 01, 2015

Sampung taon sa Canada

written July 5, 2014

di ako makapaniwala. sampung taon na kami dito sa canada? parang kailan lang. totoo ngang time flies when you're having fun or when you are trying to cope with an overwhelming life that you have created for yourself. oh well. sampung taon na nga.

unang taon ko palang dito sa canada, inambisyon ko ng magsulat ng istorya tungkol sa buhay namin dito. tumaas ang pangarap ko na ang istoryang ito ay maging isang pelikula sa pilipinas. sinulat ko ng paunti unti ang mga bagay bagay. pero syempre naging busy ang buhay. ika nga e kinain ako ng sistema. nagtrabaho, ng nagtrabaho, ng nagtrabaho. nag negosyo, naglaba, nagluto, naglinis, nagpa ikot-ikot ng pag da drive, bawat ikalawang taon naiisip ko ang pangarap kong maikwento ang buhay namin. pero wala rin.

sa wakas nung isang taon ay iniwan ko na ang aking stable, well-paying, full-time job. bakit kamo? aba ewan, minsan nga iniisip ko kung ano bang kagaguhan yung ginawa ko. haha. iniwan ko ang trabaho ko to build the life i want. it's been a year and i am proud to say that i am doing well. i am slowly creating the details of my dreams and intentionally paving the way to achieve my goals. 


2014

exciting ang taon na ito. unang una ay pumapayat na ako sa wakas. mula sa size 10 na damit, size 6 na ako ngayon, maluwag pa. di ko akalaing papayat pa ako ever. i gained and kept ten pounds for each kid i brought into the world. mula sa 120 lbs sa unang anak ko, 160 lbs ako sa ikaapat. lahat na yata ng diet sinubukan ko. mula sa cabbage soup diet na wala kang kakainin kung di cabbage soup, no carb diet, no rice diet, protein only diet, slimming shake diet, after six diet, at kung ano ano pa. hay. nakakaloka isipin. pero ngayon pumayat na ako ng totoo. pati ang mga pata kong legs. dati rati kapag pumapayat ako nananatiling malulusog ang hita ko. ngayon long legged na ako ulit. ika nga ng mga maaarteng canadians, ahh-mazing. ano ang ginawa ko? mamaya mo na malalaman. read on.

itong taon na ito ay ga graduate ng high school si celina, ang panganay naming anak. natutuwa ako at nakarating sya ng 18 years old ng hindi nabubuntis, nag da drugs, nagyoyosi o nag iinom. napakaraming napapariwarang kabataan dito sa canada. at in fairness di rin sya naglayas kahit na laging nasisiraan ng bait ang nanay nya. at on top of all that ay ga graduate syang valedictorian. valedictorian! biruin mo yun? e kahit akong ke galing galing hindi valedictorian nung high school. bwahaha. ika ng ng canadians, awesome.

nagtatrabaho sya ngayon ng part time sa mcdonalds. natanggap na sa university at magsisimula ng kanyang communications and publishing degree sa september. i am tremendously happy for her. her life is beginning in the best way possible.

yun nga lang dahil disi-otso na sya, di ko mapigilang isipin na ang tanda ko na. mag ka kwarenta na kaming mag asawa sa taon na ito. papanong lumipas ang labing walong taon ng ganun kabilis? naaalala ko pang itinatago ko ang pagbubuntis ko kay celina. hay buhay.

pero dahil kwarenta na kami ngayon, itinaga ko sa batong kami ay mag ce celebrate sa hawaii. super exciting! yan ang isa sa mga resolutions ko sa buhay. celebrate more, and more, and more!

ngayon ding taon na ito ga graduate si lara, ang pangatlo naming anak, ng elementary. napakagaling kumanta ng batang ito. artist syang tunay. manang mana sa ama. ako yata ay wala ni isang artistic na buto sa katawan. at amazingly, sya ay valedictorian din. si guila noong gumradweyt ng elementary three years ago ay valedictorian din. tatlong valedictorian na. di ko na mabilang sa daliri ang aming blessings. i am forever grateful.

ngayong taon ding ito magisismula ng kindergarten ang bunso naming si hector. lahat na sila ay mag-aaral, samakatuwid ay matatapos na ang pangangailangan namin ng daycare at babysitting. halleluiah!

mabalik ako kay guila, sya ay mag 15 years old na. nagsisimula na nyang gawin ang mga interes nya sa buhay tulad ng pagluluto. matalinong bata si guila. madalas nga lang ay nakikita ko ang sarili ko sa kanya at natatakot ako. hahaha.

sa canada na talaga kami nakatira. wala ng atrasan ito. we have planted the roots. we still call philippines home but our lives are now in canada. i fully accept it now.

medyo slow yata ako. pagtapos ng sampung taon tsaka ko lang natanggap.