Sabi ng isa sa apat kong anak kanina, (oo apat ang anak ko, at hindi, hindi ako naluluka, well hindi pa), "Never sleep angry."
Nagpanting ang tenga ko. Ano daw? Kahit pagod na pagod ako sa trabaho, biglang nagising ang teacher sa akin. Kailangang ituro ko sa kanila ang tingin kong tama. So I said, "That's not true." Medyo malakas yata ang pagkakasabi ko at nagulat silang apat. Haha, I got your attention.
So I explained myself. I think that saying is stupid. Oopps, sorry, no offense meant. If you practice that, you will lose so much sleep. Sayang naman. Haha.
I told them that this is one of the reasons why I have a strong and happy relationship with the same man for 22 years now. We sleep angry. When we cannot resolve something, we sleep on it.
Pag gabi madilim. Pag madilim, madilim din ang pananaw mo sa buhay. Pag galit ka, at paulit ulit nyo ng pinag uusapan ang isang bagay at di naman kayo magkasundo, tigilan. Matulog na. Agree to disagree and then sleep on it. Bukas maliwanag na, maganda na ang pananaw mo sa buhay. Ipagpabukas na ang usapin. Pag galit ka, at di ka makatulog, maligo ka tapos mag toothbrush ka. Siguro pagtapos mo gawin yan, makakatulog ka na. Yan ang advice ko sa mga anak ko. Sana naman maalala nila kapag may mga asawa o boypren na sila. Kung di kami natutulog ng galit, matagal na kaming magkahiwalay. O baka matagal na kaming nakakulong dahil napatay na namin ang isa't isa.
Okay lang matulog ng galit. Basta kinabukasan ay subukan ng kalimutan ang galit. O kaya naman mag sex nalang para di na magalit. Haha. Yun yata ang totoong sekreto ng matagal naming pagsasama.
Masaya ako at nakasulat ako ng kahit kaunti. Goodnight. Hanggang sa muli.
No comments:
Post a Comment