i always feel grateful these days. dahil yata binitiwan ko na ang pag iisip ng mga bagay bagay sa buhay. lahat ng bagay ay dinelegate ko na...kay ramil. haha. pagtuturo at pag vi-visualize nalang ang natirang responsibilidad ko sa buhay. pagtuturo para may maiuwi naman akong pera, at pag vi-visualize ng buhay namin in the future so we have something to look foward to.
nakasakay ako sa train kanina papunta sa trabaho. biyernes kaya half day lang ang turo ko sa hapon. ang ganda ng panahon, 20 degrees. hindi malamig at di rin naman mainit. iniinom ko ang aking mainit na kape habang nanonood ng magandang tanawin sa labas ng tren. water, mountains, buildings, bridges, people. peaceful.
nagbukas ako ng facebook. nakita ko ang isang fb friend ko na nag post ng reklamo nya sa buhay. wala daw internet sa bahay sa pinas. naalala ko na nabasa ko ilang days ago na meron din syang inire reklamo sa fb. tinignan ko ang home page nya. lahat ng post nya reklamo. hmmm. matagal na yata akong hindi nagre reklamo sa buhay. pinilit kong makaisip ng irereklamo. nagulat akong hindi ako makapag isip ng kahit na isang complaint. talaga nga bang maluwag ang buhay namin ngayon o nagbago lang ako ng perspective and i have practiced appreciation and gratitude well enough kaya wala akong maisip na complaint? so i tried to think of things to be grateful for instead. ang dami kong naisip.
unang una masaya ako sa trabaho ko ngayon. lagpas isang taon na nung iniwan ko ang aking full-time job
sa bangko. lagpas isang taon na akong nagtuturo freelance. walang security. kung saan
saan, kung ano-anong bagay, sa iba ibang mga oras. nagtuturo ako sa
limang companies. iba ibang araw. ang iba araw-araw, ang iba once in a
blue moon. tuloy tuloy ang hanap ko ng schools para laging puno ang
aking schedule. maraming pilipino dito na nagtatanong sa akin, pano ka nakapasok sa ganyang trabaho? ang galing mo naman! ang laging sagot ko, nag aral ako ng teaching para ako makapagturo. di ba ganun lang naman ang ginagawa? maraming pilipino dito sa canada ang hindi na re-realize ang kanilang full potential dahil na i insecure sila for not being born and raised in canada. ang akin lang e, hindi ako born and raised dito. so what? i will do what i want. samakatuwid, nagtuturo ako sa colleges part-time. nagtuturo ako ng bookkeeping, insurance licensing review, business planning, microsoft office, keyboarding, math, at kung ano ano pa. minsan di ko alam ang tinuturo ko pero okay lang. keri lang. magaling naman akong umarte. bwahaha.
nagpunta ako sa interview nung isang
araw for a full-time teaching job. naisip ko kasi baka pagkatapos ng isang taon e gusto ko naman ng stability sa trabaho. habang ini-interview ako, pinigil kong sabunutan ang nag i interview sa akin. pinigilan ko ang
sarili kong baligtarin ang mesa at tumakbo palabas. ang sabi nya kasi kailangang nasa opis ako alas nwebe ng umaga araw-araw at sya ang boss ko. hindi ko na yata kayang
bumalik sa full-time daily job na may oras at may boss. di bale ng nakakaloka ang schedule ko. di bale ng na stress ako paminsan minsan magturo ng mga bagay na di ko rin alam. di bale ng isang oras at kalahati ang byahe ko. di bale na
lahat. basta i have the freedom to choose what i want to do. i don't answer to anyone except to my students. i can come and go as i please. i love my job.
i get to inspire people everyday. i raise people each day by teaching them something they didn't know before. i challenge the limitations people put on themselves. my everyday question is, why not? i bring comfort to my students when they feel down. i let my students achieve. i show them that they can do things they thought impossible. i influence their minds to become positive thinkers. i encourage my students. i brainwash them to believe that they can be what they want to be, anytime they choose to. i help adults realize themselves.
i guess i am a passionate instructor.
No comments:
Post a Comment