Monday, June 01, 2015

Sampung taon sa Canada

written July 5, 2014

di ako makapaniwala. sampung taon na kami dito sa canada? parang kailan lang. totoo ngang time flies when you're having fun or when you are trying to cope with an overwhelming life that you have created for yourself. oh well. sampung taon na nga.

unang taon ko palang dito sa canada, inambisyon ko ng magsulat ng istorya tungkol sa buhay namin dito. tumaas ang pangarap ko na ang istoryang ito ay maging isang pelikula sa pilipinas. sinulat ko ng paunti unti ang mga bagay bagay. pero syempre naging busy ang buhay. ika nga e kinain ako ng sistema. nagtrabaho, ng nagtrabaho, ng nagtrabaho. nag negosyo, naglaba, nagluto, naglinis, nagpa ikot-ikot ng pag da drive, bawat ikalawang taon naiisip ko ang pangarap kong maikwento ang buhay namin. pero wala rin.

sa wakas nung isang taon ay iniwan ko na ang aking stable, well-paying, full-time job. bakit kamo? aba ewan, minsan nga iniisip ko kung ano bang kagaguhan yung ginawa ko. haha. iniwan ko ang trabaho ko to build the life i want. it's been a year and i am proud to say that i am doing well. i am slowly creating the details of my dreams and intentionally paving the way to achieve my goals. 


2014

exciting ang taon na ito. unang una ay pumapayat na ako sa wakas. mula sa size 10 na damit, size 6 na ako ngayon, maluwag pa. di ko akalaing papayat pa ako ever. i gained and kept ten pounds for each kid i brought into the world. mula sa 120 lbs sa unang anak ko, 160 lbs ako sa ikaapat. lahat na yata ng diet sinubukan ko. mula sa cabbage soup diet na wala kang kakainin kung di cabbage soup, no carb diet, no rice diet, protein only diet, slimming shake diet, after six diet, at kung ano ano pa. hay. nakakaloka isipin. pero ngayon pumayat na ako ng totoo. pati ang mga pata kong legs. dati rati kapag pumapayat ako nananatiling malulusog ang hita ko. ngayon long legged na ako ulit. ika nga ng mga maaarteng canadians, ahh-mazing. ano ang ginawa ko? mamaya mo na malalaman. read on.

itong taon na ito ay ga graduate ng high school si celina, ang panganay naming anak. natutuwa ako at nakarating sya ng 18 years old ng hindi nabubuntis, nag da drugs, nagyoyosi o nag iinom. napakaraming napapariwarang kabataan dito sa canada. at in fairness di rin sya naglayas kahit na laging nasisiraan ng bait ang nanay nya. at on top of all that ay ga graduate syang valedictorian. valedictorian! biruin mo yun? e kahit akong ke galing galing hindi valedictorian nung high school. bwahaha. ika ng ng canadians, awesome.

nagtatrabaho sya ngayon ng part time sa mcdonalds. natanggap na sa university at magsisimula ng kanyang communications and publishing degree sa september. i am tremendously happy for her. her life is beginning in the best way possible.

yun nga lang dahil disi-otso na sya, di ko mapigilang isipin na ang tanda ko na. mag ka kwarenta na kaming mag asawa sa taon na ito. papanong lumipas ang labing walong taon ng ganun kabilis? naaalala ko pang itinatago ko ang pagbubuntis ko kay celina. hay buhay.

pero dahil kwarenta na kami ngayon, itinaga ko sa batong kami ay mag ce celebrate sa hawaii. super exciting! yan ang isa sa mga resolutions ko sa buhay. celebrate more, and more, and more!

ngayon ding taon na ito ga graduate si lara, ang pangatlo naming anak, ng elementary. napakagaling kumanta ng batang ito. artist syang tunay. manang mana sa ama. ako yata ay wala ni isang artistic na buto sa katawan. at amazingly, sya ay valedictorian din. si guila noong gumradweyt ng elementary three years ago ay valedictorian din. tatlong valedictorian na. di ko na mabilang sa daliri ang aming blessings. i am forever grateful.

ngayong taon ding ito magisismula ng kindergarten ang bunso naming si hector. lahat na sila ay mag-aaral, samakatuwid ay matatapos na ang pangangailangan namin ng daycare at babysitting. halleluiah!

mabalik ako kay guila, sya ay mag 15 years old na. nagsisimula na nyang gawin ang mga interes nya sa buhay tulad ng pagluluto. matalinong bata si guila. madalas nga lang ay nakikita ko ang sarili ko sa kanya at natatakot ako. hahaha.

sa canada na talaga kami nakatira. wala ng atrasan ito. we have planted the roots. we still call philippines home but our lives are now in canada. i fully accept it now.

medyo slow yata ako. pagtapos ng sampung taon tsaka ko lang natanggap.


2 comments:

Cecille DJ said...

Congrats Mother! Natawa naman ako sa artikulong ito. Sampung taon na nga! Ang galing ng mga anak mo. Idol kita...sana maging ganyan din yung mga anak ko :)

L Abad said...

Thanks Cecille. Kayang kaya ng kids mo yan.

Sobrang luma na ng post na ito. Nakita ko lang sa drafts kaya pinost ko. Congratulations again on the new addition to the family! May girl at boy na kayo. Dalawa pa ulit! Buti ka nakakapag post ng madalas at mahaba with details. Ako lagi lang snippets. I need to try harder na makapag blog at least once a month.
PM kita sa FB.